MAYOR JUN YNARES TULOY-TULOY ANG SERBISYO-PUBLIKO

TARGET NI KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang serbisyo-publiko ng tanggapan ni Mayor Jun Ynares ng Antipolo City.

May handog itong iba’t ibang programa at proyekto para sa mga taga-lungsod. Kaya kahit ang mga kapit-bayan ay hinahangaan siya.

Aba’y mayroon ding libreng gupit at mobile salon o barber shop na handog si Ynares.

“Tuwing umiikot ang Caravan kada Sabado, dala natin ang iba’t ibang libreng serbisyo tulad ng libreng gupit. Masaya naman ang mga nagpapagupit ng buhok pero bukod sa masaya, gusto natin na kumportable sila tulad ng kapag nasa parlor/barber shop sila,” wika ni Ynares.

Ayon sa masipag na alkalde, ito ang dahilan kaya minarapat nila na magpagawa na rin ng mobile parlor o barber shop.

“Ready na umarangkada ang ating brand new Mobile Salon. Fully air-conditioned at Wi-Fi ready ito para relax at maginhawa. Baka hindi na kayo lumabas,” masaya pang sabi ng city mayor.

Kamakailan naman, mahigit 1,000 beneficiaries ang tumanggap ng kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) pay-out na nagkakahalaga ng P4,700 bawat isa.

Kaya labis ang pasasalamat ni Ynares kina Sen. Grace Poe, Sen. Bong Revilla, Cong. Bryan Revilla, sa AGIMAT Party-list, DOLE (Department of Labor and Employment) at Public Employment and Service Office (PESO) sa pagtutulungan nila para maisakatuparan ito.

Sinisikap din ni Ynares na matulungan ang lahat ng mga nangangailangan ng kanyang serbisyo sa Antipolo.

“Sakay ng lumang wheelchair, araw-araw sinusuong ng Nanay at Ate ni Monique Rentoria, walong taong gulang, mula sa Antipolo Hills, Brgy. San Luis, ang matarik na daan patungo sa eskwelahan para siya’y makapag-aral. Grade 1 siya ngayon – nakakabasa ngunit hindi nakakasulat. Kung hindi siya nasa eskwelahan, madalas niyang kadaupang palad ang bubong ng kanilang bahay dahil paghiga ang pinakamainam na pwesto para sa kanya,” ayon sa tanggapan ni Ynares.

Ayon kay Ynares, limang taong gulang pa lang si Monique nang ma-diagnose siya na may hydrocephalus.

Paglipas ng mga taon, ayon sa alkalde, kapansin-pansin ang pagiging paralisado ng kalahating katawan niya, dahilan kung bakit hindi na siya nakalalakad.

“Pina-check-up natin si Monique para mabigyan ng sapat na therapy at makita kung may posibilidad pa siyang makalakad,” aniya.

Bukod dito, nangako rin si Ynares na magpapagawa ito ng specialized wheelchair para kay Monique.

“Kaunting hintay pa at makakalaya na siya sa lumang wheelchair na naging saksi sa kanyang paghihirap. Sa ngayon ay ongoing ang therapy ng bata sa hospital natin sa Brgy. Mambugan,” dagdag pa ng energetic na alkalde ng lungsod.

Mabuhay po kayo, bossing, at God bless!

268

Related posts

Leave a Comment