MAYOR MAX ROXAS, LODI NG MGA TAGA-PANIQUI, TARLAC

TAPOS na talaga ang halalan.

Sabi nga, “may mga nanalo na.”

Katunayan, opisyal nang naideklara si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Kung matatandaan kasi, sa official canvass ng mga boto ng joint congressional canvassing committee, si Marcos ay nakatanggap ng 31,629,783 votes mula sa halos 60 percent ng electorate.

Ito ang dahilan para makakuha ito ng landslide victory laban sa katunggaling si Vice President Leni Robredo.

Abay sa pagka bise-presidente naman, naiproklama na rin si Davao City Mayor Sara Duterte, anak ni outgoing President Rodrigo Duterte, bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, sa katatapos pa lang na botohan.

Nakasungkit si Duterte ng 32.2 million votes. Kung susumahin, mahigit triple ang mga boto niya mula sa 9.3 million votes na natanggap ng isa sa mga katunggali na si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa local polls naman, aba’y marami na ring nanalo. Siyempre, sila ang pinili ng mayorya ng mga botante.

Tulad nina BBM at Inday Sara, majority rin ang sumuporta at bumoto kay Paniqui, Tarlac Mayor Max Roxas.

Lodi siya ng kanilang lugar. Kaya naman siya ang nanalo sa nakaraang eleksyon. Mahusay na lider ang mama kaya’t hindi siya matalo-talo. Hinahangaan siya ng marami dahil sa husay o galing niya sa pagsisilbi sa bayan.

Well, marami nang nakahanay na proyekto si Mayor Roxas para sa kanyang mga kababayan.

Nangunguna riyan ang peace & order para marami pang mamuhunang mga negosyante.

Nariyan din ang edukasyon, ayuda, kalusugan, at marami pang iba para sa kanyang mga ­constituents.

Mabuhay po kayo, Mayor Max Roxas, at Mabuhay po kayo!

149

Related posts

Leave a Comment