CLICKBAIT ni JO BARLIZO
NAKAHANAP na ata ng katapat si Pasig Mayor Vico Sotto, at malamang kabado na siya makaraang maghain ng kandidatura si Sarah Discaya, may-ari ng St. Gerrard General Contractor and Development Corporation.
Idinadawit ni Sotto ang St. Gerrard sa isang kumpanya na may joint venture sa Commission on Elections (Comelec).
Pumalag ang asawa ni Discaya na si Curlee, na siya rin chief executive officer ng St. Gerrard.
Giit nito, nag-divest na sila at wala nang kinalaman sa sinasabing kumpanya, na tuluyan na rin umatras sa joint venture sa Comelec.
Sa kabila nito, tuloy ang mga kaso ni Sotto laban sa St. Gerrard bagama’t pawang binasura na ang mga ito ng korte, maliban sa tatlo, na ayon kay Curlee ay occupancy cases lang.
Ayon sa mga Discaya, nagsimula silang gipitin ng alkalde nang malamang marami ang humihimok kay Sarah na pasukin ang pulitika.
Nagsimula sila sa wala. Lumaki ang kanilang construction business at bilang pasasalamat sa mga biyaya, ibinalik nila ito sa kanilang mga empleyado.
Walang pinipiling tulungan ang mga Discaya. Hindi pinahihirapan ang mga lumalapit sa kanya. Basta balido ang kahilingan ay kanilang tinugunan kaya naman napamahal sila sa karamihan.
Katibayan nito ang maraming Pasiguenos na sumusuporta sa kandidatura ni Sarah. Nakita ito nang samahan siya ng daan-daang supporters sa kanyang paghahain ng COC.
Taus-pusong nagpasalamat si Sarah sa kanyang supporters matapos ang opisyal na deklarasyon ng kanyang pagtakbo bilang katunggali ni Mayor Vico sa halalan sa Mayo 2025.
Nagkaroon ng mabigat na karibal si Vico, na aminin man o hindi, ang hinahangad niyang ikatlong termino ay pinakamahirap na laban niya mula noong 2019 nang tuldukan niya ang 27-taong paghahari sa Pasig ng mga Eusebio.
255
