MEGA

HINDI lang sa mga proyekto may mega. Kahit sa imbestigasyon ay may mega rin. Sana lang hindi magaya sa mga mega project ang mega investigation sa mga katiwalian sa gobyerno.

Tuwing nagkakaroon ng ­kalamidad sa ating bansa, nasisira ang mga mega project tulad ng mga mega dike na nagsisilbing proteksyon ng mga komunidad na nakatira sa paligid ng mga waterways.

Isa mga pinaggagastusan ng malaki ng ating gobyerno ay ang mga mega dike na mula sa buwis ng mamamayang Filipino taon-taon at hindi biro ang halaga na inilalaan dito.

Noong 2018, ang isa sa mga naging dahilan ng gulo sa national budget para sa taong 2019 ay ang mga mega projects na may kinalaman sa mga dike at drainage system daw sa mga probinsya.

Mahirap makita yung mga drainage system project na sa tingin ko ay mega projects din, ­dahil nakabaon sa lupa ang proyekto kaya walang nakakaalam kung nagkakalokohan sa proyektong ito na bilyon-bilyong piso ang halaga.

Yung mga mega dike, laging nasisira kapag nahahampas na ng malakas na alon kapag may malakas na bagyo o kaya gumuguho kapag nagkaroon na ng malakas na current ng tubig sa mga ilog at mga kanal.

Nakakapanghinayang ang buwis natin na ginagastos sa ganitong proyekto na parang hindi talaga pinatatag gayung alam ng gobyerno na vulnerable ang mga ito dahil 20 bagyo ang dumadaan sa ating bansa taon-taon.

Sana lang ay magkaroon ng panuntunan na lahat ng ganitong uri ng proyekto ay may maximum standard at may lifetime guarantee para kapag nasira ay obligahin ang mga kontraktor na itayo uli na wala ng bayad.

Kung mapapansin nyo kasi, ang karamihan sa mga nasirang dike ay mababaw lang ang pagkakabaon kaya talagang mabubuwal yan kapag rumagasa na ang malakas na alon.

***

Sana hindi kasingbabaw ng pagkakabaon ng mga nasisirang dike ang mega investigation na ilulunsad ng Department of Justice (DOJ) sa mga katiwalian sa ­gobyerno na tila sinusukuan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kailangang laliman ang imbestigasyon at huwag lang targetin yung mga nagnakaw ng P1 Bilyon kundi kahit P100 ay ninakaw ay dapat imbestigahan at parusahan para maipakitang seryoso talaga tayo sa kampanya laban sa mga tiwali sa gobyerno.

Marami tayong kababayan na nakulong agad dahil nagnakaw sa grocery ng pagkain na wala pang P100 ang halaga. Nakakahiya naman sa kanila kung palalapagpasin ang mga kawatan sa ­gobyerno na wala pang P1 Bilyon ang halaga ang ninakaw.

Bawat sentimo na ibinabayad ng mga tax payers ay mula sa kanilang pawis at dugo kaya kung palalagpasin ang mga ­magnanakaw ng maliit na halaga ay parang hindi nyo sila binigyan ng hustisya.

Walang dapat palagpasin at lahat ng mga iimbestigahan ay dapat i-freeze agad ang kanilang assets kasama na ang kanilang mga bank accounts upang kapag napatunayang guilty ay mayroon tayong mababawi sa kanila.

Karaniwan kasing nangyayari, nagdi-dispose agad ang mga kawatan ng kanilang mga ari-arian at wini-withdraw nila ang kanilang mga deposito sa bangko kapag alam nilang iniimbestigahan sila kaya kapag nagkasingilan na ay bokya ang gobyerno… wala na silang mababawi sa ninakaw nilang yaman.

160

Related posts

Leave a Comment