MEKANISMO SA KONSERBASYON, PROTEKSYON NG WILDLIFE VS ZOONOTIC DISEASE PALALAKASIN

ISINUSULONG ni Senator Cynthia A. Villar na palakasin ang mekanismo sa wildlife conservation at protection dahil sa tumataas na kaso ng ‘zoonotic disease transmission’ bunga ng madalas na pagsasamantala sa ating ‘wild fauna’ at kanilang tirahan.

“There were studies suggesting that COVID-19 virus may have originated from bats and that the first people infected were traders in bat meat, who may have subsequently visited the Huanan seafood market, where the virus spread was first traced,” ayon kay Villar.

Dahil dito, mas mas higit natin kailangang palakasin ang polisiya sa pangangalaga sa ating wildlife resources sanhi ng COVID-19 virus.

Kahit meron tayong RA No. 9147 na umiiral sa loob ng mahigit 20 taon, sinabi ni Villar na lumawak at lumakas naman ang wildlife crimes.

Aniya, dahil ito sa makabago operasyon sa bilihan at paghahatid sa wildlife species na naging transnational. Pati ang mga sangkot sa wildlife crimes ay gumagamit na rin ng makabagong paraan.

Inamin naman ng senador na naging malaking hamon ito sa mga nagpapatupad ng batas at sa ating polisiya at mekanismo.

Iginiit ng senador na tutugon ang kanyang panukalang Senate Bill 125 o Revised Wildlife Resource Conservation and Protect Act sa makabagong uri ng wildlife offenses at palalakasin ang mekanismo sa mas higit na proteksyon sa ating wildlife resources.

Bagama’t may mga tagumpay na pag-aresto sa wildlife violators at pagkumpiska sa wildlife specimens ng mga nakaraang taon, sinabi ni Villar na may mga paglabag na nananatiling laganap at di pa nabibisto.

Ang mga sumusunod ang tampok sa panukalang binabago ang RA No. 9147:

• Kinikilala ang jurisdiction ng Palawan Council for sustainable Development (PCSD) at Bangsamoro Government wildlife species sa kanilang mga nasasakupan;
• Tumutugon ito sa krimen ng wildlife trafficking;
• Binibigyan nito ng kahulugan ang “wildlife laundering”;
• Kinabibilangan ito ng control at management mechanism sa invasive alien species na nagdudulot ng panganib sa ating lokal na halaman at mga hayop;
• Nagbibigay ito ng alituntunin sa koleksyon, pangangalaga at pagdadala ng wildlife at mga produkto nito;
• Itinataas nito ang parusa- pagkakakulong at multa- sa wildlife crimes; at
• Nagbibigay ito ng probisyon sa aplikasyon ng “disputable presumption” na may wildlife crimes. (ESTONG REYES)

136

Related posts

Leave a Comment