2 TULAK, LAGLAG SA BUY-BUST

TIMBOG ang dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang, sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang arestadong mga suspek na si Mary Jane Buenaventura, 49, ng #6045 Sitio Libis Kabatuhan, Gen. T. De Leon, at Joseph Tismo alyas “Odek”, 45, ng #1016 Bonbon St., Ugong, kapwa ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr., sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega, kontra sa mga suspek sa Que Grande St., Brgy. Gen. T. De Leon.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula kay P/SSgt. Gabby Migano na umaktong poseur buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu, agad sumugod ang back-up na sina P/SSgt. Gerry Dacquil at PSSgt. Alvin Olpindo saka sinunggaban si Buenaventura at Tismo.

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang limang sachets na naglalaman ng 4 gramo ng shabu na tinatayang nasa P27,200 ang halaga, buy-bust money at P400 cash. (FRANCIS SORIANO)

84

Related posts

Leave a Comment