3 ARESTADO SA P95K SHABU

ARESTADO ang tatlong drug personalities sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Jefferson Valledor alyas, 29; Mike Angelo Ocsales, 27; at Alvello Lagamayo, 47, ng Brgy. 31, Maypajo, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Torcillo Street, Barangay 28, Caloocan City.

Nagawang makaiskor ang poseur buyer ng isang sachet ng shabu kay Valdellor kapalit ng P500 marked money naging dahilan upang arestuhin ng mga awtoridad ang mga suspek.

Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng 14 gramo ng shabu na tinatayang P95,200ang halaga at buy-bust money. (ALAIN AJERO)

55

Related posts

Leave a Comment