3RD IMPEACHMENT CASE VS VP SARA INIHAIN SA KAMARA

INIHAIN na kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng mga religious group, mga paring Katoliko, non-government organization (NGO), mga abogado ang ikatlong impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Personal na inihain ng abogado ng mga 12 complainant na si Atty. Amando Virgil Ligutan ng grupong Saligan ang ikatlong impeachment complaint laban kay Duterte sa tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco kahapon, December 19 ng umaga.

“The complainants are arguing that it is no longer just a constitutional, legal obligation of the members of Congress to impeach/remove the Vice President. That obligation becomes a moral one,” ani Ligutan.

Kabilang sa mga complainant sina Rev. Father Antonio Labiao Jr., Rev. Father Joselito Sarabia, Rev. Father Joel Saballa, Rev. Father Rico Ponce, Rev. Father Dionisio Ramo, Rep. Father Esmeraldo Reforeal, Rev. Father Daniel Franklin Pilario, Simon Serrano ng Stop Corruption Philippines, Wilfredo Villanueva ng Stand Up for God (SUGOD Rosary Grupo, Pinky Tam ng Union of Peoples Lawyer in Mindanao (UPLM), Attys. Joel Mahinay, Maria Loreto Lopez at Shanelle Aubrey Gianina Gomez.

Ibinase ng mga complainant ang kanilang reklamo sa resulta ng imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability sa paggamit ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ng kanilang confidential funds noong at 2023.

Naniniwala ang grupo na nagkaroon ng culpable violation of the Constitution, bribery, graft and corruption at betrayal of public trust sa paggamit ni Duterte ng kanyang confidential funds na nagkakahalaga ng P612.5 million.

Iba ang halagang ito sa P125 million na confidential funds ng OVP noong 2022 kung saan natuklasan na ginastos ang halagang ito sa loob lamang ng 11 araw.

Sa imbestigasyon ng komite, natuklasan na karamihan sa mga recipient sa confidential funds, hindi lamang ng OVP kundi ng DepEd ay mga hindi totoong tao matapos itong ipaberipika sa Philippine Statistic Authority (PSA).

“The impeachment complaint is based on how the Vice President of the Republic of the Philippines illegally disbursed the confidential funds trusted by the republic to her. This is based on results of the committee hearing done by Congress. This disbursement is not properly done. They used fictitious individuals,” ani Ligutan.

“So the complainants believes that this is illegal and the complainant believe that this acts of the vice president constitutes ground for impeachment against the vice president of the republic,” dagdag pa nito.

Ayon kay Ligutan, inendorso nina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr., at Aambis-Owa party-list Rep. Lex Anthony Cris Colada ang ikatlong impeachment complaint laban sa anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Unang sinampahan ng Civil Society Group si Duterte ng impeachment complaint noong December 2, na sinundan ng mga progresibong grupo pagkalipas ng dalawang araw. (BERNARD TAGUINOD)

6

Related posts

Leave a Comment