4 PRESO UMESKAPO SA GALAS STATION 11

NAKAPUGA sa kulungan ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11 ang apat na preso matapos lagariin ang rehas na bakal nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Danilo Macerin ang mga nakatakas na sina Glenn Louie Limin, may kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act); Marvin Inciong, may kasong paglabag sa RA 9262, robbery at RA 6539; Joel Sanchez, may kasong robbery holdup, at Ronald Buenafe, may kasong paglabag sa RA 9165.

Base sa kuha ng CCTV, dakong alas-2:58 ng madaling araw, nilagari ng apat ang rehas na bakal saka isa-isang lumusot palabas ng presinto at tumakas.

Agad namang ipinag-utos ni P/BGen. Macerin ang manhunt operation sa mga pugante at sinibak ang nakatalagang duty jailer na nasa kustodiya na ng Camp Karingal habang inihahanda ang kasong kriminal at administratibo. (TJ DELOS REYES)

237

Related posts

Leave a Comment