56 ANYOS NA LALAKI, UTAS SA SUNOG

Nasawi ang 56-anyos na lalaki matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Habang humigit kumulang naman sa 15 kabahayan ang nadamay na tinatayang aabot sa halagang  P400,000 ang napinsalang ari arian.

Nakilala ang nasawi na si Rolando Argote, residente ng Molina St. Brgy. Viente Realis.

Ayon sa mga residente, dakong 6:15 ng umaga nang unang makarinig ng pagsabog na sinundan ng pagsiklab ng sunog na nagmula sa bahay na pag-aari umano ng isang Elvira Galduque sa naturang lugar.

Mabilis kumalat ang apoy na umabot ng halos dalawang oras  dahil pawang mga gawa sa light materials ang mga kabahayan  na  halos umabot na dalawang oras.

Napabayaang naka-charge na cellphone ang itinuturong sanhi ng pagsiklab ng apoy habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng nasabing insidente.

10

Related posts

Leave a Comment