BABAENG OFW, NAGBIGTI

Isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) ang natagpuang nakabigti at wala nang buhay ng kanyang kinakasama sa loob ng kanilang bahay sa Lungsod ng Caloocan kamakalwa ng gabi.

Sa ulat ni PO1 Ryan Albert Dapadap ng Caloocan City Police Community Precint VI, ganap umanong alas 9:45 ng gabi nang matagpuan ni Albert Encipido, 31 anyos ang kanyang kinakasamang si Sheryl Dauz, 31 anyos din na nangingitim na at wala nang buhay na paluhod na nakabigti gamit ang isang abaca rope na nakapalupot sa kanyang leeg at nakatali sa steel brace ng kanilang kisame.

Agad siyang humingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay na mabilis ding tumawag sa kanilang barangay.

Hindi na rin nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima dahil wala na itong buhay.
Wala namang ideya ang kinakasama ng biktima kung ano ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay.

Sa ngayon ay patuloy pa rin  ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya upang masiguradong walang naganap na foul play sa nasabing insidente.

Nakatakda namang sumailalim autopsy ang labi ng biktima na nasa pinaka malapit na ring punerarya sa lugar na accredited ng NPD – SOCO. (CHE ALMADIN)

10

Related posts

Leave a Comment