BAGONG PAMUNUAN NG MULTINATIONAL VILLAGE HANDA SA RECONCILIATION

HANDA ang kampo ni Arnel Gacutan na makipag-usap sa kampo ni Julio Templonuevo para plantsahin ang problema sa Multinational Village sa lungsod ng Parañaque.

Giit ni Gacutan, dapat magkaroon sila ng reconciliation para magtulungan sa halip na magbangayan.

Dapat maayos anya ang gulo sa Multinational Village kung saan apektado ang mga miyembro ng homeowners association.

Dagdag pa ni Gacutan, una niyang gagawin ang rehabilitation sa Multinational Village na para bang napabayaan anya ng dating pamunuan.

Una nang nagkaroon ng tensyon, Huwebes ng umaga kung saan sampung pulis ang nasaktan matapos pumalag ang kampo ni Templonuevo sa dapat sana ay takeover ng bagong pamunuan ng Multinational Village homeowners association. (DANNY BACOLOD)

37

Related posts

Leave a Comment