BEBOT NA NO. 5 MOST WANTED SA MURDER, TIMBOG

0

INARESTO sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong murder ang isang 39-anyos na ginang matapos matunton sa kanyang bahay sa Port Area, Manila noong Sabado ng hapon.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na kinilalang si Melissa Asjali y Santos, may asawa, ng Brgy. 650, Port Area.

Base sa ulat ni P/Edwin Fuggan na isinumite kay P/Lt. Col. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang alas-3:30 ng hapon nang arestuhin ang ginang sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Albert Tenorio Jr., presiding judge sa Manila Regional Trial Court, Branch 14 dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kasong pagpatay. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment