BINATA KARGADO NG ARMAS, SWAK SA REHAS

SWAK sa rehas ang isang 27-anyos na binata makaraang makumpiskahan ng baril at mga bala sa ikinasang “Oplan Sita” noong Miyerkoles ng hapon sa Purok 1, Isla Puting Bato, Barangay 20, Tondo, Manila.

Kinilala ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, ang suspek na si Renzon Yu, residente ng Barangay 275, Binondo, Manila

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander, bandang alas-3:25 ng hapon, pinara ng mga awtoridad ang isang habal-habal kung saan pasahero ang suspek.

Nang kapkapan ang mga sakay nito ay nadiskubre mula sa suspek ang isang baril at magazine na may limang bala.

Bunsod nito, inaresto ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

(RENE CRISOSTOMO)

91

Related posts

Leave a Comment