BUMAHA NG LUHA; BELTRAN INILIBING NA

beltran9

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY EDD CASTRO)

BUMAHA ng luha ang paghahatid ng pamilya at mga taga supporter sa labi ng pinaslang na si Bagong Silangan Chairwoman Crisell ‘Beng’ Beltran sa huling hantungan nito kahapon sa Forest Lawn Cemetery, Rodriguez Rizal.

Libu-libong mga tagasuporta ang siyang nakipaglibing na pawang nakasuot ng puti tshirt na may nakasulat na ‘Justice for Beng Beltran’.

Karamihan naman sa mga residente ng Bagong Silang ay naglabasan sa kanilang bahay upang sa huling pagkakataon ay kanilang makita ang kanilang inidolo at minahal na kanilang kapitana.

Paniwala ng grupo na kahit na mayroon nang nadakip ang Quezon City Police District na sinasabing mga  pumatay kay Beltran ay hindi sila kuntento dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin nailalabas ang kapulisan kung sino ang nag-utos o mastermind sa pananambang at pagpatay sa kanilang chairwoman.

Tanong pa rin ng nakakarami na bakit nalusutan ang QCPD samantala dapat sila ay nakaalerto dahil sa pinatutupad na Comelec Gun Ban.

Masyado rin daw mapangahas ang mga suspek dahil isinakatuparan ang pagpatay sa katanghalian na tapat dahilan upang posibleng makapangyarihan na tao ang nag-utos upang paslangin si Beltran.

Magugunita na linggo Pebrero 3, nang iprisenta ng pamunuan ng QCPD ang apat na suspek na kanilang dinakip  at tinuturong responsable sa pagpatay sa kapitana na nakilala na sina Teofilo Formanes,   magkakapatid na sina Ruel Juab, Orlando Juab at Joppy Juab.

Ang mga nasabing suspek ay kapwa kinasuhan ng double murder at multiple frustrated murder dahil sa pagpatay kay Beltran at sa drayber nitong si Melchor Salita at ikinasugat na apat na indibidwal.

Suspetsa ng pamilya at supporters ng Kapitana na posibleng ‘fall guy’ lamang ang mga inaresto ng mga otoridad dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin na maituro na mastermind ang mga suspek kung sino ang nagpagawa sa kanila na paslangin si Beltran.

Sa kaso ng pamamaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe, nagsisuko ang mga salarin bunsod na rin sa laki ng pabuya na umabot sa P50 milyon kung saan mabilis nilang  ikinanta sa kapulisan na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo na siyang nag-utos sa kanila.

Dahil dito, kumbisido ang pamilya ni Batocabe na kanila nang nakamtam nila ang hustisya dahil natukoy ang mastermind na  taliwas naman sa nangyari sa kaso ni Beltran na nanatiling blangko ang QCPD kung ano ang tunay motibo sa pagpatay sa Chairwoman.

“Gusto namin malaman kung ano ang motibo, gusto namin malaman kung sino ang mastermind, gusto namin madakip ito at mapanagot sa batas” galit na pahayag ng mga supporters ni Beltran.

Matatandaan na nagalit ang pamilya ng kapitana makaraan na hindi sila papasukin sa Kampo Karingal upang makita ang sinasabing suspek na pumatay sa kanilang mahal sa buhay.

Mas lalo pang ikinagalit ng mga ito nang sabihin ng pulis na ‘Utos daw ni Mam’ na hindi sila papasukin habang si Vice Mayor Joy Belmonte ay nasa loob habang iprinipresnta ng QCPD ang mga suspek.

Samantala ‘No Show’ ang pamilyang Belmonte sa paghahatid sa libingan ni Beltran na agad na  nagpahayag na isa sa malapit daw nilang kaibigan ang kapitana nang mabalitaan na pinatay ito.

Hindi rin nakita ang sana’y makakatunggali sa darating na election ni Beltran sa pagkakongresista ng 2nd District ng Quezon City  na sina Precious Hipolito asawa ni Congressman Winnie Castelo, Dante Liban at si Annie Susano.

Tanging dumalo at sumama sa paghahatid kay Beltran ang mga kaalyado nito na si Congressman Bingbong Crisologo na tumatakbong sa pagka-alkalde at Atty. Jopet Sison na lalaban sa pagka-bise alkalde ng nabanggit na lungsod.

Balak ni Crisologo na ang anak ni Beng na si Winsell Beltran ang siyang hahalili sa pagtakbo sa pagka-kongresista.

 

422

Related posts

Leave a Comment