CASIO SINIBAK SA PAOCC

SINIBAK sa puwesto si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio at kasalukuyang nasa ilalim ng administrative investigation kasunod ng sinasabing mistreatment sa isang Pinoy sa sinalakay na POGO hub sa Bagac, Bataan.

Sa isang text message sa mga Palace reporter, araw ng Martes, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinag-utos kay Casio na ipaliwanag ang kanyang ginawa.

May isa kasing video na makikita si Casio na sinampal ang isang POGO worker sa Bagac, Bataan noong Oktubre 31.

Ito ang nag-udyok sa PAOCC na magpalabas ng memorandum at nagbigay ng mandato sa kanya na gumawa ng written explanation sa loob ng 24-oras. (CHRISTIAN DALE)

50

Related posts

Leave a Comment