DALAGANG TULAK, KASABWAT ‘SWAK SA BANGA’

ISINELDA ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, ang isang dalaga na umano’y tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation, habang arestado rin ang parukyano nito noong Miyerkoles ng gabi sa panulukan ng Buenviaje at Caromina Streets, Quiapo, Manila.

Kinilala ang arestado na si Marylou Deraya, alyas “Madam”, residente ng Tondo, Manila.

Kalaboso rin ang umano’y parukyano nito na si “Alex”, 58, jobless, ng Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-7:10 ng gabi nang kapwa bitbitin ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU, ang dalawang suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 10 sachet ng umano’y shabu na mahigit 45 gramo at P360,000 ang street value. (RENE CRISOSTOMO)

98

Related posts

Leave a Comment