FLOATING BARRIERS NG CHINA SA BAJO DE MASINLOC, BABAKLASIN NG PH

GAGAWIN ng Pilipinas ang lahat ng legal na paraan para alisin ang inilatag na floating barriers ng China Coast Guard sa bungad ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), ayon sa inilabas na pahayag kahapon ng National Security Council, kasabay sa pagkondena sa Peoples Republic of China sa panibagong paglabag sa 2016 International Arbitral ruling.

“We condemn the installation of floating barriers by China Coast Guard in Bajo De Masinloc. The placement by the People’s Republic of China of a barrier violates the traditional fishing rights of our fishermen whose rights have been affirmed by the 2016 Arbitral ruling,” mariing pahayag ng NSC.

Sinabi pa ng ahensya, alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagaganap sa West Philippine Sea, lalo na sa paligid ng BDM at Ayungin Shoal.

“We will take all appropriate actions to cause the removal of the barriers and to protect the rights of our fishermen in the area,” deklara pa ng NSC.

Iginiit ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na may karapatan ang Pilipinas na tanggalin ang inilagay na floating barrier o boya ng Chinese Coast Guard sa bahagi ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Malaya, ang Bajo de Masinloc ay nasa 200 nautical miles Exclusive Economic Zone (ECC) ng bansa at napakalapit sa Zambales.

Bilang parte aniya ng EEZ ang Bajo de Masinloc, ay may karapatan ang Pilipinas na alisin ang mga boyang ito para hindi makaapekto sa pamamalakaya ng mga mangingisdang Pilipino o ang tinatawag na maritime entitlement, ani Malaya.

“It ruled categorically that such action by the PRC violated the traditional fishing rights of our fishermen in the shoal who have been fishing there for centuries. Any State that prevents them from doing artisanal fishing there violates UNCLOS and international law, in general.”

(JESSE KABEL RUIZ)

198

Related posts

Leave a Comment