NALAGUTAN ng hininga ang isang 29-anyos na Grabe driver habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Malabon makaraang pagsasaksakin ng kalugar sa lungsod na ito, nitong Martes ng gabi.
Kinilala ni Malabon City Police chief, P/Col. Jessie Tamayao, ang biktimang si Ronel Gunida, residente sa #913 Gulayan, Brgy. Catmon, habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Alex Padilla, 22, ng #828 Gulayan, Brgy. Catmon nasabing lungsod.
Ayon kay Tamayao, dakong alas-7:45 ng gabi, masayang kainuman ng biktima ang kanyang kapatid na si Rochel Gunida sa Gulayan nang biglang lumapit ang suspek at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak si Ronel na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.
Makaraan ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi nabatid na direksyon. (FRANCIS SORIANO)
422