INIHAYAG ng Commission on Elections na nasa 68,448 na persons deprived of liberty (PDLs) ang nagparehistro para makaboto sa 2025 midterm elections.
Sa nasabing bilang, sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferrolino, kasama sa kanila ang 993 na boboto sa labas ng piitan at e-escortan ng mga awtoridad.
Pero, ayon sa komisyoner, maaari pa itong mabawasan depende sa usad ng kaso ng mga PDL gayundin ang mga posibleng mapalaya bunga ng pag-apruba sa kanilang GCTA o General Conduct Time Allowance.
Salig naman sa desisyon ng Korte Suprema, binigyang diin ni Comelec Chairman Erwin Garcia na maaaring bumoto ang mga PDL na naka-apela pa o wala pang pinal na desisyon ang mga kaso
Noong Huwebes ng umaga, lumagda sa kasunduan ang COMELEC, Public Attorney’s Office, Bucor at BJMP para sa pagsasagawa ng edukasyon at botohan sa susunod na taon. (JOCELYN DOMENDEN)