BINIGYANG parangal ang mga pasilidad at organisasyon na patuloy na nagbibigay inobasyon at dekalidad na pag-aalaga sa mga taong mayroong Human Immunodeficiency Virus (HIV) and Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) sa ginanap na QUILTS Awards 2024 sa City of San Jose Del Monte Convention Center, Bulacan noong nakaraang Linggo, Mayo 19.
Iginawad ng U.S. government sa ilalim ng President’s Emergency Plan for AIDS Relief (PEPFAR) at U.S. Agency for International Development (USAID), kasama ang Department of Health, AIDS Society of the Philippines at Department of Health ang “Quality Uptake and Improvements in Lifesaving Treatment Services” o QUILTS Awards 2024 para sa natatanging Human Immunodeficiency Virus (HIV) and Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) facilities sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
Panauhing pandangal sa nasabing event si Secretary Teodoro Herbosa ng Department of Health (DOH), kasama sina Salem Gugsa, Health Officer for US Agency for International Development (USAID); Irene Fonacier-Fellizar, president and board of trustees of the AIDS Society of the Philippines, at si Teresita Bagasao, project director of the Epidemic Control Project.
Ang nasabing Quilts Awards ay nasa ikatlong taon na ng pagdiriwang kung saan kinikilala at binibigyang parangal ang facilities at organisasyon na nagpakita ng exceptional contributions para sa HIV treatment sa bansa.
“DOH is one with everyone in honoring the hard work of every single person who is in the fight to end the HIV epidemic and to ensure that quality care is given to people living with HIV,” mensahe ni Sec. Herbosa.
Nakatanggap ng main award ngayong taon ang Sail Makati para sa Differentiated HIV Treatment Services para sa kategorya ng providers with clients of 1,000 and above; ang Sail Cavite naman ang nakatanggap ng Differentiated HIV Treatment Services para sa kategorya ng providers with clients between 350 and 999, habang ang Meycauayan City Primary HIV Care Clinic naman ang nakatanggap ng award para sa kategorya ng Differentiated HIV Treatment Services para sa kategorya ng providers unde4 350 clients.
Nakatanggap din ng Excellence Award for HIV services in young key populations ang Loveyourself Anglo; QuickReal Excellence Award for Digital Innovation ang Laguna Medical Center; at Host of the Year naman ang San Jose Del Monte.
Bukod sa nabanggit na mga parangal ay marami pang awards sa iba’t ibang kategorya ang iginawad ngayong taon para sa HIV facilities sa sakop ng Metro Manila, Calabarzon at Gitnang Luzon.
Ang mga parangal ay batay sa kalidad ng kanilang mga pasilidad, services at best practices para makamit ang positive outcomes sa paglaban sa HIV.
Ayon kina Fellizar at Bagasao, ang naturang awards ay para palakasin pa ang mga hakbang para wakasan ang HIV epidemic sa buong mundo hanggang sa taong 2030.
Batay sa datos ng DOH, pinakamataas ang kaso ng HIV sa Metro Manila, Region IV at Region 3 habang ang karamihan sa mga edad na tinatamaan ay mula 15 hanggang 24 anyos. (ELOISA SILVERIO)
182