HINIKAYAT ng isang opisyal ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang kalalakihan na magkaroon ng aktibong gampanin sa pagpaplano ng pamilya upang mapagaan ang paghihirap ng kababaihan.
“Undergoing a non-scalpel vasectomy (NSV) is a concrete manifestation of your love and care to your spouses and partners. That is our challenge to Filipino males,” ayon kay POPCOM chief Dr. Jeepy Perez.
Kumpara sa bilateral tubal ligation (BTL) procedures na ginagawa sa kababaihan, ang NSV aniya ay mas ‘convenient.’
Sa kasagsagan ng pandemya, pinaigting ng POPCOM ang kanilang pagsisikap na mamahagi ng contraceptive pills sa kababaihan sa pamamagitan ng regional offices nito.
Tinukoy nito ang pinatagal na quarantine ay maaaring nag-udyok ng sexual activities sa pagitan ng couples, dahilan upang sumirit ang populasyon ng bansa na isa aniyang alalahanin ng pamahalaan ngayon.
Ayon kay Perez, ang pills ang siyang kasalukuyang ginagamit ng 30% lamang ng mga Pilipina para sa family planning.
“As the pandemic gradually abated and health restrictions were slowly lifted, many have resorted to bilateral tubal ligations (BTLs). Filipino men can help ease family planning pressures on their spouses and partners by strongly considering undergoing vasectomies,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, makikita sa data mula sa POPCOM na ang kababaihang Pilipino na nasa family planning ay pumalo lamang sa 8 milyon. (CHRISTIAN DALE)
216