LALAKI NAHULOG MULA SA GUSALI, PATAY

BASAG ang bungo at lasog ang katawan ng hindi pa kilalang lalaki makaraang mahulog mula sa isang gusali sa Tomas Claudio Street, malapit sa Zamora Interlink sa Pandacan, Manila noong Lunes ng madaling araw.

Tinatayang nasa 35 hanggang 40-anyos ang biktima, may taas na 5’0 hanggang 5’4, at malaki ang pangangatawan.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Paul Rojo kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang matagpuan ng isang Ronald Patrimonio, 44, jeepney driver, ang duguang biktima.

Hinihinala ng pulisya na may sakit sa pag-iisip ang biktima dahil sa nadiskubreng reseta ng gamot para sa nasabing karamdaman.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at iniimbestigahan kung may foul play sa insidente.

(RENE CRISOSTOMO)

129

Related posts

Leave a Comment