DEAD on the spot ang isang 36-anyos na lalaki makaraang mabundol ng dalawang magkasunod na motorsiklo nitong Biyernes ng madaling araw sa northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue at Tecson Street, Tondo, Manila
Kinilala ang biktimang si Wilson Mallari, residente ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo.
Ayon sa ulat ni Police Corporal Rudolf Riddick Fajardo kay Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-12:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.
Napag-alaman, habang naglalakad ang biktima nang mabundol ito ng isang motorsiklo na hindi naplakahan.
Bumulagta umano ang biktima na hindi naman napansin ng kasunod na motorsiklo at nabundol din ito.
Kapwa mabilis na tumakas ang dalawang motorcycle rider makaraan ang insidente. (RENE CRISOSTOMO)
1