DAHIL sa nalalapit na Kapaskuhan at epekto ng sunod-sunod na bagyo, nagsagawa si Senador Alan Peter Cayetano, chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, ng pagdinig kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya nitong December 17, 2024.
Tinalakay rito ang mga isyung may kaugnayan sa mga mamimili at ang mga posibleng amyenda sa Consumer Act of the Philippines at Price Act.
Upang mas mapangalagaan ang mga mamimili, hinikayat ni Cayetano ang DTI at Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng mga praktikal na hakbang para palakasin ang consumer protection laws.
“We have to be fair in everything we do,” wika niya.
“I would like to see the time na wherever you go in the Philippines, may mga price matching sa US. We’ll not require the stores to match, but just having the data on your phone, it’ll be apples to apples. It’s up to the consumer but at least… we gave the consumer the comparison of prices,” aniya pa. (DANNY BACOLOD)
14