MASTERMIND TUTUKUYIN SA BELTRAN KILLING

beltran

INILANTAD na Linggo ng umaga ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na suspect at limang kasabwat sa pagpaslang kay barangay chairwoman at 2nd district congressional candidate Crisell ‘Beng’ Beltran.

Sina Teofilo Formanes, 48, ang magkapatid na sina Ruel Juab, 38, Orlando Juab, 32, at Joppy Juab, 28, ay iniharap ni QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. sa isang press conference. Dalawa pang suspect ang hinahanap na kinilalang sina Warren Juan at Dutchboy Bello.

Lima pang kasabwat ang inaresto dahil sa illegal possession of firearms.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang mabatid kung sino ang mastermind at kung paanong plinano ang pagpaslang.

HUSTISYA HINDI PA SAPAT

Bagama’t natimbog na ang mga pumatay umano kay Brgy. Bagong Silangan Quezon City Captain Crisell “Beng” Beltran at driver nito, hindi pa rin kontento ang isang mambabatas hangga’t hindi pa naaaresto ang nag-utos sa mga suspek na patayin ang biktima ng isa mga congressional candidate ng ikalawang distrito ng lungsod.

Kahapon ay ihinarap nina National Capital Region (NCR) Police Diretor Guillermo Eleazar at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga naarestong suspek.

“The arrest of these suspects is, but, an initial victory in our quest to attain justice for Kapitana Beng and her slain driver. We shall be closely monitoring the developments until all the perpetrators of this brutal crime are brought to justice,” ani Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadeth Herrera-Dy.

Makakamit lang umano ang buong hustisya sa sandaling matukoy, makasuhan at masentensyahan ang mga nag-utos sa mga nahuling suspek na patayin ang kapitana.

Gayunpaman, pinapurihan ng mambabatas ang PNP lalo na ang Special Task Group na binuo ni Quezon City Police District Director Joselito Esquivel sa maagap na pag-aresto sa mga suspek.

“Just less than a week since Kapitana Beng’s assassination, the policemen already have in their hands the  suspects who could pinpoint who the mastermind is,” ani Herrera-Dy.

Pinaalalahanan ng lady solon ang mga pulis na tiyaking malakas ang kasong isasampa sa mga salarin at makipag-ugnayan sa Department of Justice (DoJ) para masigurong hindi maibabasura sa korte ang isasamang kaso.

144

Related posts

Leave a Comment