BINIGYANG PAGKILALA nina Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar ang mga empleyado, opisyal at operating units na nagpamalas ng pinakamahusay na pagganap sa paghahatid ng mga programa, proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa ginanap na 2023 Local Governance Exemplar Awards kasabay ng inspiradong pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Las Piñas City Hall ngayong November 20.
Sinabi ni Mayor Aguilar na nilikha ang Las Piñas City Local Governance Exemplar Award (LPCLGEA) upang itatag ang mekanismo sa pagtukoy, pagpili at pagbibigay ng rewards o gantimpala at mga insentibo sa mga karapat-dapat na mga opisina, opisyal, at empleyado at tukuyin ang pinakamahusay na accomplishments sa paninindigan sa mga prinsipyo ng pamamahala ng kaalaman, pagsasama-sama at pakikipagpartner sa multi-stakeholder para sa implementasyon ng mga programa, proyekto, aktibidad at inisyatibo ng lokal na pamahalaan.
Inihayag pa ng alkalde na layunin ng LPCLGEA na itatag ang pagbibigay ng reward at pagkilala tuwing panahon o kung kinakailangan upang magbigay din ng mga insentibo at interbensiyon para lalo pang pag-igihan ng mga empleyado na nag-ambag ng mga ideya, suhestiyon, hindi matatawarang tagumpay, mahalagang karera at mga hakbang sa personal na pagpapabuti.
Ang pagpaparangal ay sinaksihan nina Atty. Odilon L. Pasaraba, Undersecretary for Project Development Management ng Department of the Interior and Local Government (DILG); Atty. Ana Lyn R. Baltazar-Cortez, DILG Assistant Regional Director-National Capital Region; Ms. Mary Anne B. Planas, City Director- DILG Las Piñas; Brig. Gen. Mark Danglait Pespes, Southern Police District (SPD) Director; at Las Piñas City Police Chief Col. Jaime O. Santos.
Ayon pa kay Mayor Aguilar, ang awards and recognition program ay binubuo ng dalawang kategorya na city-level awards at barangay-level awards, na sinundan ng paglulunsad ng Las Pinas City Lupon Tagapamayapa Hymn na pinangunahan ng mga kinatawan ng Barangay Talon Singko.
Sa ilalim ng kategorya ng City Level Awards ay ang High Functionality on the Las Pinas City Peace and Order Council (LPCPOC); Safest City in Southern Metro Manila; High Functionality on the Las Pinas City Anti-Drug Abuse Council (LPCADAC); Ideal Function for both the Local Council for Protection of Children (LCPC) and the Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC); Functional Comprehensive Development Plan (CDP); at Functional Fisheries Compliance Audit.
Idinagdag pa ng alkalde na kabilang din sa City Level Awards ang Regional Recognition on Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation (MBCRP) Program; Regional Recognition on Halina’s Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG)-Kalinga Program; City Nutrition Awards; Best Garden Award; at ng Seal of 4Ps-Grand Winner Pantawid Farmers ng Talon Kuatro-Livelihood Association.
Binanggit naman ni Mayor Aguilar sa ilalim ng Barangay Level Awards category ay ang Safe Barangay Awards, Drug Cleared Barangays, Best Barangay Nutrition Scholars, Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB), at ng Outstanding Lupong Tagapamayapa of the City of Las Piñas.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Vice Mayor April Aguilar ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng awardees para sa kanilang hindi matatawarang pangako at makabagong kontribusyon sa lungsod.
“To all our awardees, your hard work and dedication have significantly contributed to enhancing the quality of life in our beloved city. Your efforts in various sectors have not only improved our city’s operations but have also uplifted the lives of our residents. This is a clear demonstration of what we can achieve when we work together with a shared vision for a better Las Piñas,” sabi ng bise-alkalde.
“Asahan niyo ang aming dedikasyon para sa tuluy-tuloy na tapat at progresibong serbisyo sa Las Piñas,” pagtatapos ni Vice Mayor Aguilar.
(DANNY BACOLOD)
256