‘MIDDLE MAN’ SA P6.4-B SHABU SMUGGLING HULI NG NBI

dong 500

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Kenneth Dong na inakusahan sa likod ng P6.4 bilyong illegal drug imporation ng shabu shipment galing China noong 2017.

Sinabi kagabi ni NBI deputy director Ferdinand Lavin  na isinagawa ng mga ahente ng Anti-Organized and Transnational Crime Division ang pag-aresto ngunit hindi pa nagbibigay ng buong detalye.

Inatasan ng Manila court ang pag-aresto kay Dong kasama ang Customs broker na si

Mark Ruben Taguba II at pitong iba pang akusado noong nakaraang taon. Ang kaso ay nakabimbin sa sala ni Judge Rainelda Estacio-Montesa, ng Manila Regional Trial Court Branch 46.

Si Dong ay naaresto noong Agosto 2017 – tatlong buwan matapos madiskubre ang malaking drug shipment sa Valenzuela City – dahil sa kasong rape noong 2016.

Pinakawalan ito noong Nobyembre 2017 matapos umatras ang complainant dahilan para idismis ito ng korte.

159

Related posts

Leave a Comment