Patunay ng mabuting pamamahala MARIKINA SUMUNGKIT NG 7 AWARDS

BILANG patunay ng kanilang mabuting pamamahala, nakamit ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang pitong parangal sa katatapos na Department of the Interior and Local Government-National Capital Region (DILG NCR) Urban Exemplar Awards Ceremony na ginanap sa Novotel Hotel sa Quezon City.

Kinilala ang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang larangan, kabilang ang Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit, Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT VAWC), at Peace and Order Performance Audit (POC).

Nakamit din nito ang parangal bilang Highly Compliant sa Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, at Preservation Program (MBCRP)-LGU Compliant Assessment. Nakuha rin ng lungsod ang pagkilala bilang Ideal Level para sa Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Audit, Top Performer para sa Informal Settler Families (ISF) Cluster, at Top Performing LGU sa Regional Subaybayan Performance.

“Tayo’y nagpapasalamat sa DILG-NCR para sa mga pagkilalang ito. Ito’y patunay ng magandang bunga ng aming mga pagsisikap para sa mabuting pamamahala,” wika ni Mayor Marcy Teodoro.

“Ang mga award na ito ay magsisilbi bilang aming lakas para lalo pang pagsilbihan ang lahat at maihatid ang kanilang mga pangangailangan,” dagdag pa niya.

Para kay Rep. Maan Teodoro ng 1st District ng Marikina, ang mga parangal na ito ay magsisilbing inspirasyon para sa lokal na gobyerno na higitan pa ang kanilang nagawang serbisyo at lalo pang pagbutihin ang mga inisyatibo para sa kapakanan ng mga residente.

“Mahusay na ang Marikina, mas lalo pa nating paghuhusayin ang paglilingkod,” sabi ni Rep. Teodoro, na nakikipag-ugnayan kay Mayor Teodoro sa pagbuo at pagpapatupad ng mga plano at programa para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.

Natanggap din ng Marikina ang Seal of Good Local Government mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang pagkilala sa kanilang katapatan, kahusayan, at mga pagsisikap sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala. Ginawaran ang siyudad PHP2.3 milyong pondo bilang insentibo sa pagiging SGLG awardee.

35

Related posts

Leave a Comment