ROAD CLOSURE, REROUTING SA PISTA NG STO. NIÑO

PISTA NG STO NIÑO

MAGPAPATUPAD ng road closure at rerouting scheme ang Manila Police District-Traffic Enforcement Unit sa araw ng Sabado at Linggo dahil sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan sa lungsod ng Maynila.

Sa Enero 18 at19 ay ipatutupad ang nasabing pansamantalang pagsasara ng ilang kalye upang  bigyang-daan ang mga parada at prusisyon na idaraos para sa naturang relihiyosong okasyon.

Batay sa ipinalabas na dalawang traffic advisory ng MPD-TEU, nabatid na dakong  11:00 ng tanghali sa Sabado, Enero 18, ay pansamantala nilang isasarado ang mga kalsada ng Jesus/Nagtahan, East Zamora/Pres. Quirino, P.Gil/Carreon at Beata/Laura para sa pagdaraos ng ‘Buling-buling Fiesta 2020’ sa pista ng Sto. Niño sa Pandacan.

Ang ruta umano ng naturang parada ay magsisimula sa Sto. Niño Parish Church (Patio)-Teodoro San Luis, Hilom, Narciso, Jesus, Industria, Hilim, Labores at pabalik sa Sto. Niño Patio sa Pandacan.

Magpapatupad din umano ng road closures sa ilang apektadong kalsada ang MPD-TEU para sa Lakbayaw Festival na idaraos dakong  alas-8:00 ng umaga sa Sabado at sa Grand Procession para sa Sto. Niño na sisimulan naman ng 4:00 ng madaling araw sa Linggo, Enero 19 sa Tondo.

Ayon sa MPD-TEU, ang ruta ng Lakbayaw Festival ay magsisimula sa simbahan ng Sto. Niño patungong Ylaya St., kanan ng CM Recto Avenue, kanan sa Asuncion Street, kaliwa sa Lakandula Street, kanan sa Wagas Street, kanan sa Moriones St., kaliwa sa Juan Luna St., U-turn sa Pritil, kanan sa Herbosa St., kanan sa Velasquez Street, kaliwa sa Ugbo St., kaliwa sa F. Varona St., kaliwa sa Perla St., kanan sa Franco St., tawid sa Moriones St., hanggang J. Nolasco St. at hanggang sa makabalik sa simbahan.

Ang Grand Procession ay sisimulan sa Sto. Niño Church hanggang Lakandula St., kanan sa Asuncion St., kanan sa Morga St., kaliwa sa Juan Luna St., U-turn sa Pritil, N. Zamora St. (Sande), kanan sa Herbosa St., kaliwa sa Franco St., kanan sa Coral St., kanan sa Sta. Maria/Yangco; kaliwa sa Herbosa St., kaliwa sa Velasquez, kaliwa sa Perla St., kanan sa Sta. Maria St., tawid sa J. Nolasco St., kaliwa sa L. Chacon St., hanggang sa makabalik sa simbahan.

Nabatid na habang isinasagawa ang mga naturang aktibidad ay magpapatupad din ang MPD-TEU ng traffic rerouting scheme upang maiwasan ang matinding pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan sa mga apektadong lugar.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad na ang Carreon St. sa panulukan ng Tomas Claudio ay isasailalim sa ‘Stop and Go’ traffic situation sa buong panahon ng ‘Buling-Buling Festival’ habang ang aktuwal na pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong lansangan para sa tatlong aktibidad ay ibabase nila sa aktuwal na kondisyon ng trapiko. (RENE CRISOSTOMO)

151

Related posts

Leave a Comment