SEGURIDAD SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO KASADO NA

HANDANG-HANDA na ang buong pwersa ng Manila Police District para sa seguridad na ipatutupad na Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila sa Enero 9, Martes.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, ng Public Information Office (PIO), nasa 15,000 pulis ang ipakakalat para magbantay sa seguridad sa araw ng Traslacion sa Poong Nazareno

Ito ang direktiba ni MPD Director OIC, Police Colonel Arnold Thomas Ibay.

Bukod sa mahigpit na pagbabantay sa mga deboto, maaga ang paglalatag ng checkpoint para tiyakin ang kaligtasan ng iba’t ibang mga grupo na tutungo at mamamanata sa Traslacion.

Hindi lamang ang MPD ang magtitiyak ng kaligtasan ng mga deboto, katuwang din ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard para sa pagbabantay sa karagatan, Bureau of Jail Management and Penology, at Bureau of Fire Protection.

Mahigpit ding ipinaalala ni Colonel Ibay sa mga deboto na iwasan ang pagdadala ng mga backpack, pagsusuot ng sumbrero, at pagdada ng mga matatalim na bagay o anomang armas.

Sa pagtataya ng pulisya, nasa 2 milyon na mga deboto ang maaaring makilahok sa gagawing Traslacion ngayong taon.

Ito ay makaraang masuspinde ng tatlong taon ang Traslacion dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

(RENE CRISOSTOMO)

66

Related posts

Leave a Comment