TRICYCLE DRIVER TINADTAD NG BALA SA ULO

(Ni CHE ALMADIN)

Isang tricycle driver ang patay matapos na walang habas na pagbabarilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob mismo ng silid nito sa Lungsod ng Caloocayn kahapon ng madaling araw.

Sa ulat PO1 Albert Dapadap at POI Jeffrey Mendoza ng Caloocan City Police Community Precint VI ay ganap umanong ala – 1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob mismo ng silid ng biktimang si Alquin Canillo, 30 anyos, binata, tricycle driver at residente ng Block 1, Phas3 IV, Tierra Nova Main, Barangay 171, Bagumbong ng nasabing lungsod.

Ayon sa kasama sa bahay ng biktimang si Alvin Tangyan, kasalukuyan umano siya noong nanunuod ng telebisyon sa kanya ring silid nang makarinig siya ng sunod sunod na putok ng baril na nagmumula sa silid ng biktima.

Agad niya itong inusisa at nang kanyang puntahan sa silid nito ang biktima ay wala na itong buhay at tadtad pa ng tama ng bala ang ulo nito, ngunit wala naman siyang napansing ibang tao doon na marahil ay mabilis ding tumakas matapos masiguradong wala nang buhay ang biktima.

Mabilis din siyang humingi ng saklolo sa nasabing himpilan na agaran ding nakaresponde.

Sa pagsisiyasat ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) ay nasa tatlong fired cartridges mula sa hindi pa nalalamang kalibre ng baril ang narecover sa pinangyarihan ng krimen.

Agad namang dinala sa Matias Funeral Homes ang biktima na isasailalim sa autopsy sa kahilingan na rin ng inang si Joselyn Tanguan upang masiguro kung ano mismo ang ikinasawi ng nito.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya maging ang pangangalap ng mga kopya ng CCTV sa lugar na posibleng nakahagip sa suspek, kung saan ito dumaan pagpasok at kung paano nakatakas.

7

Related posts

Leave a Comment