Isang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang patay nang tambangan ng dalawang kalalakihang sakay ng isang motorsiklo sa Lungsod ng Malabon kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Malabon City Police chief Senior Supt. Jessie Tamayao, kinilala ang biktimang si Virgilio Cardenas, 46 anyos ng Jacinto Street, Barangay Marulas, Lungsod ng Valenzuela na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
habang ang mga suspek naman ay mabilis ding nagsitakas matapos ang pamamaril.
Nabatid na ganap na 10:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Sitio VI, Barangay Catmon ng nasabing lungsod nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinaulanan ito ng bala.
Sa dami ng tama ay agad na nasawi ang biktima.
Mabilis namang nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi na nalamang direksiyon matapos ang insidente.
Sa pagsisiyasat naman ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO), nakuha sa biktima ang isang kaha ng kahon ng sigarilyo na naglalaman ng apat na heat-sealed transparent plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu, habang nasa apat na empty shells at dalawang deformed bullets mula sa caliber .45 pistol ang na-recover sa pinangyarihan ng krimen.
Nabatid pa sa pulisya na naaresto na noong nakaraang taon ang biktima at nasampahan na rin ng kasong Section 5, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.
Hinihinalang may kinalaman sa transaksiyon ng ilegal na droga ang motibo sa pagpatay.
132