UMIHI SA RILES TIMBOG SA BARIL

0

ARESTADO ang isang tambay makaraang madiskubreng may nakasukbit na baril nang sitahin dahil sa paglabag sa ordinansa nang umihi sa gilid ng riles ng tren noong Huwebes ng gabi sa Tondo, Manila.

Bukod sa kasong paglabag sa RO 1054 (urinating in public places), nahaharap din sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) ang suspek na kinilalang si Ricardo Rondina y Zabate, binata, ng #417 NBBN, Navotas City.

Batay sa ulat nina P/Cpl. Anjon Cruz, P/Cpl. Dued De Gala at Patrolman Sir Christian Joseph Pineda na isinumite kay P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, station commander ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-9:30 ng gabi, habang nagsasagawa sila ng anti-criminality opperation sa nabanggit na lugar nang mamataan ang isang lalaki habang umiihi sa gilid ng riles na sakop ng Brgy. 155 sa Tondo.

Sinita nila ang suspek dahil sa paglabag sa ordinansa ngunit nang kapkapan ay nadiskubre ang .36 kalibreng baril sa baywang nito.

Bunsod nito, agad na dinisarmahan ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment