Mga bata naglaro ng posporo GINANG TODAS SA SUNOG SA NAVOTAS

PATAY ang isang 46-anyos na ginang sa nangyaring sunog sa Navotas City noong Biyernes ng umaga na nag-ugat sa paglalaro umano ng posporo ng mga bata.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktimang si Madel Santos, 46-anyos.

Umabot sa unang alarma ang sunog sa residential area sa Riverside, Brgy. San Rafael Village dakong alas-7:38 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma dakong alas-7:46 ng umaga.

Idineklara namang under control ng mga bumbero ang sunog dakong alas-8:38 ng umaga at ganap na naapula alas-9:03 ng umaga.

Tinatayang 169 pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa tinatayang P100,000 halaga ng mga ari-arian.

Ang mga residenteng naapektuhan ng sunog ay pansamantalang tumutuloy sa San Rafael Village Elementary School at pagkakalooban ng kanilang pangunahing pangangailangan ng City Social Welfare Office. (ALAIN AJERO)

167

Related posts

Leave a Comment