MGA KUMPANYANG PAULIT-ULIT NASASANGKOT SA SMUGGLING, PINABUBUSISI

HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros ang Bureau of Customs na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa tinawag nitong ‘repeat violators’ ng agricultural smuggling sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, umapela si Hontiveros sa BOC na magsumite ng kanilang investigative report as Senado.

Kaugnay ito ng inilabas na matrix ni Hontiveros mula sa BOC kaugnay sa government operations sa smuggled agricultural products.

Batay sa report, apat na kumpanya ang may paulit-ulit na transaksyon.

“Kapansin-pansin ang Zhenpin, Thousand Sunny Enterprise, Dua Te Mira, at Gingarnion Agri Trading. These companies were involved in at least P400M worth of smuggled vegetables. Ibig sabihin, halos kalahati ng P800M reported apprehensions ng BOC, ay involved itong apat na ito,” saad ni Hontiveros.

Batay sa dokumento, ang apat na kumpanya ay sangkot sa malalaking kontrabando na nasabat sa Subic.

Ang Thousand Sunny at Dua Te Mira ay tatlong beses nang naaresto dahil sa misdeclaration ng mga shipment at overstaying.

Samantala, ang Gingarnion ay nasangkot sa shipments ng sibuyas, carrots, at broccoli.

“Bakit nakakaulit sila? From June, umulit noong July, at umulit ulit noong October. Bakit namimihasa sila? May special consideration ba sa mga ito? Nais nating malaman kung bakit patuloy na nakakapagnegosyo ang apat na yan,” tanong ng senador.

Hiniling din ni Hontiveros sa BOC na alisin na sa Joint Administrative Order (JAO) 20-01 ang mga paulit ulit na violator.

“Dapat tanggalin na ang lahat ng repeat offenders sa JAO na yan. Pribilehiyo iyan. At kung mapatunayan sa mga kaso na nag-smuggle sila at responsable sa economic sabotage, dapat i-revoke ang kanilang mga lisensya at permit at ipakulong nang naaayon sa parusa ng batas,” diin ni Hontiveros.

“Smuggling threatens our economic recovery. Dapat may makulong sa mga ganitong kaso na ang nabibiktima ay higit sa lahat mga magsasaka, at ang buong agricultural sector. Damay rin maging mga local government units na madedehado sa dapat ay mataas na IRA galing sa BOC collections na mailalaan sana para sa mga kababayan natin. This is not a victimless crime. Hindi dapat ito pinapalampas,” dagdag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

117

Related posts

Leave a Comment