Mga Pinoy diskumpyado sa online sellers PILIPINAS KULELAT SA “E-COMMERCE”

SA kabila pa ng pangunguna ng Pilipinas sa larangan ng ginugugol na oras sa paggamit ng internet, taliwas naman ang resulta sa larangan ng e-commerce kung saan kulelat ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na gumagamit ng transaksyong kalakip ng makabagong teknolohiya.

Gayunpaman, kumbinsido sina House Speaker Martin Romualdez, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, Tingog partylist Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre na kayang palakasin ng pamahalaan ang e-commerce kung magiging batas ang kanilang inihaing House Bill 04 (Internet Transaction Act) na naglalayong palakasin ang e-commerce kasabay ng pagbibigay ng karampatang proteksyon ng mga tumatangkilik sa mga binebentang produkto at serbisyo sa online platform.

Sa pinakahuling datos na nakalap ng mga kongresista sa Google at Temasek, lumalabas na nasa huling pwesto ang Pilipinas mayroon lamang $7-bilyong Gross Merchandise Value (GMV), habang nakapagtala naman ng $11B GMV ang bansang Malaysia, $12B naman para sa Vietnam, $12B rin sa bansang Singapore, $16B naman sa Thailand at $40B naman sa Indonesia.

“This—despite the Philippines’ estimated 76 million active Internet users and high Internet penetration rate (71% vis-a-vis 54% global average), longer spent hours daily on the Internet (10 hours vis-a-vis global average of six hours and 42 minutes), and very high social media penetration for population aged 13 and above (99% vis-a-vis 50% global average),” saad sa isang bahagi ng panukala.

Isa sa mga nakikitang dahilan sa pangungulelat ng Pilipinas ay ang diumano’y kawalan ng tiwala ng mga online shoppers sa mga online sellers, mahina at limitadong internet connection, kawalan ng governing entity, scam at iba pa.

“Philippine MSMEs (micro, small, and medium enterprises) lag behind the adoption of e-commerce because enterprises either find using digital technology platforms too difficult, or are unaware of the benefits they offer.” (BERNARD TAGUINOD)

171

Related posts

Leave a Comment