Ayon kay PLTGEN Guillermo Eleazar, Deputy chief PNP for operations, kabilang sa mga sakay sina PNP Chief General Archie Gamboa, PNP chief-PIO Police Brigadier General Bernard Banac, PNP comptrollership chief Major General Jovic Ramos, chief of the Directorate for IntelligenceMajor General Mariel Magaway, isang Aide ni Gamboa, ang piloto, at ang dalawang crew ng chopper na sina pilot PLTCOL Ruel Zalatar, co-pilot PLTCOL Rico Macawili at crew na si PSMSGT Loiue Cestona.
Ayon pa kay Eleazar, base sa report ng mga tauhan ng PNP na nasa lugar nang mangyari ang insidente, zero visibility ang lugar dahil sa alikabok nang magsimulang tumaas ang chopper.
Hindi pa masyadong nakakataas ay nagpagewang-gewang muna ang chopper bago ito sumabit sa live wire at bumagsak sa isang kalye sa labas lamang ng compound.
Agad ding sumiklab ang apoy sa chopper na maagap namang nirespondehan ng mga nakaantabay na mga bumbero para sa event.
Isa sa mga unang nailabas mula sa chopper bago pa man ito nasunog ay si Gamboa na inilabas mula sa kanan bahagi ng chopper.
Conscious naman ang heneral at agad isinugod sa isang ospital sa Westlake Medical Center sa San Pedro para sa pang unang lunas. NILOU DEL CARMEN
