MGCQ sa Marso ikinakasa LOCALIZED LOCKDOWN IREREKOMENDA

KUMBINSIDO ang National Economic Development Authority (NEDA) na ang paggamit ng localized lockdown ay mabuting pamamaraan para mapigilan ang pagkalat ng corona virus habang nakabukas ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay NEDA Chief Karl Chua, hindi naman nangangahulugan na kapag binuksan na ang ekonomiya ay babalewalain na at isasantabi ang pananatili ng pandemya.

“So hindi po naman natin sinasabi na ibukas lang natin ‘yong ekonomiya at huwag na nating pakialaman ‘yong covid cases kailangan po natin both. At nakita po natin na nagbukas po tayo last October at ‘yong dumaan po ‘yong Christmas vacation, hindi po naman umakyat ‘yong covid cases. In my concluding slide po, sa IATF meeting last Thursday, we presented the following recommendations, which was approved by the IATF and we hope for your approval also on the following,” anito.

Sa panukala aniyang isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) na ang bansa sa susunod na buwan ay base sa datos nuong nakalipas na Oktubre kung kailan nagre-opening ang mga negosyo at nitong nakaraang year-end holiday na hindi naman nakapagtala ng gayun kataas na kaso ng covid. (CHRISTIAN DALE)

134

Related posts

Leave a Comment