(Ni JO CALIM)
NANGUNA ang Manila International Container Port (MICP) sa nakiisa at nakibahagi sa idinaos na United Portusers at Logistics Summit noong nakaraang Hunyo 20, 2019 sa Marriot Hotel, Manila.
Sa naturang pagtitipon, nanguna si MICP District Collector at Customs Spokesperson Atty. Erastus Sandino Austria na nagbahagi ng kanyang mga kaalaman ukol sa pinakabagong trade facilitation na ipinatupad ng ahensya gayundin ang mga bagong proyekto nito.
Ipinagmalaki ni Atty. Austria sa summit ang inilunsad na “Computer Systems Project” ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan.
Ayon pa kay Austria, ang system ay dinisenyo para payagan ang transacting public na mai-check ang kalagayan ng kanilang shipments at request sa pamamagitan ng anumang web-enabled device.
Binanggit din ni Austria ang mga bagong polisiya ng BOC na nakabatay sa isinasaad ng Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Act.
Gayundin ang polisiya ukol sa decentralization of Customs brokers renewal.
Ipinaliwanag ni Austria ang pagsisikap ng MICP na maging maayos na ang yard utilization rate ng port.
Tinukoy pa nito na malaking tulong para mapabilis lahat ng transactions sa BOC ng mga stakeholders at partners ang pagbabawas ng signatories sa mga transactions at requests, at assignment of alternate signatories para sa mga transactional documents habang wala ang mga primary signing authority.
Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga kinatawan ng Customs official mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Bukod dito, dumalo rin sa pulong ang mga shippers, importers, exporters, logistics at distribution companies mula sa iba’t ibang bansa.
Ang okasyon ay inorganisa sa pakikipagtulungan ng United Portusers Confederation of the Philippines, Inc. at ang Procurement and Supply Institute of Asia (PASIA).
Taunang idinaraos ang naturang pagpupulong para magkaroon ng palitan ng mga kaalaman pagdating sa pagnenegosyo at sa industriya sa pamamagitan na rin ng pagsasalita ng iba’t ibang speakers at experts.
117