MIKEY WILLIAMS: FINALS MVP, PBA ALL-FILIPINO CHAMPION

Ni ANN ENCARNACION

TINANGHAL na unanimous Honda-PBA Press Corps Finals MVP ang Filipino-American na si Mikey Williams makaraang magkampeon ang kanyang team na TNT, Biyernes ng gabi sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Naging susi ang 30-anyos na si Williams upang makopo ng Tropang Giga ang All-Filipino championship, matapos ­pasukuin ang Magnolia Hotshots sa Game 5 lang ng dapat ay best-of-seven series.

Nag-average ang TNT ­rookie ng 27.6 points, 5.2 rebounds at 4.8 assists sa limang games upang wakasan ang six-year title drought ng prangkisa.

Si Williams ang pangatlong rookie na naging Finals MVP. Nauna si dating San Miguel big man Danny Seigle noong 1999, kasunod si Brandon Cablay ng Alaska noong 2003.

Noong Game 4 (Miyerkoles) ay tinalo siya ni Hotshots’ Calvin Abueva para sa PBA ­Philippine Cup Best Player of the ­Conference award.

Ngunit sa huli, waging-wagi si Williams dahil hindi niya lang napagkampeong muli ang Tropang Giga kundi napasakamay niya pa ang Finals MVP award.

“I feel like this is a surreal moment for all of us. We ­definitely put the work in, we definitely put the time. It’s been a long season and it’s been challenging for everybody,” sabi niya matapos tapusin ng TNT ang Magnolia, 94-79, sa Game 5.

290

Related posts

Leave a Comment