Misis nakakuha ng P320-M Project COA COMMISSIONER NANGANGANIB MA-IMPEACH

NAGBABALA si Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na sasampahan ng impeachment case si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana kung hindi ito kusang magbibitiw sa puwesto.

Sa budget hearing ng COA, inatasan ni De Lima si COA Chairperson Gamaliel Cordoba na kausapin si Lipana at kumbinsihin itong mag-resign dahil umano sa conflict of interest.

“Please talk to him, otherwise some of us may initiate impeachment proceedings because one of the grounds is betrayal of public trust and also graft and corruption,” ani De Lima.

Nadiskubre sa pagdinig na si Marilou Laurio-Lipana, asawa ng komisyoner, ay presidente at general manager ng Olympus Mining and Builders Group Philippines Corporation na nakakuha ng flood control projects na nagkakahalaga ng P320 milyon.

Giit ni De Lima, sapat na itong basehan para masabing may conflict of interest, kahit hindi mapatunayang nagbulsa ng pera si Lipana.

Pinuna rin ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang hindi pagdalo ni Lipana sa mga pagdinig. Ayon kay Cordoba, mula pa Agosto ay nasa medical leave ito at kasalukuyang nagpapagamot sa Singapore.

Paliwanag ni Cordoba, hindi niya mapilit si Lipana na magbitiw dahil tanging impeachment proceedings ang maaaring magpatanggal sa isang miyembro ng constitutional body.

(BERNARD TAGUINOD)

53

Related posts

Leave a Comment