MOCHA USON, MANALAMIN KA MUNA!

SINO ba itong si Mocha Uson, bakit siya nagsasalita laban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM)? Malinis ba ito?

Tatawid ka lang sa bakod ni Isko Moreno magsasalita ka pa laban kay BBM.

Hindi lang si BBM ang ­iniinsulto mo kundi ang nakararaming Pinoy.

Baka sa kangkungan ka pulutin niyan, Inday? Lalo na kung may ambisyon kang pumasok sa pulitika.

Anong tingin mo sa mga supporter ni BBM, mga bobo?

Parang sinabi mong bobo sina Atty. Larry Gadon at Mayor Inday Sara dahil sumama sila kay BBM.

Nitong nakaraan may ini­labas na video itong si Uson na sinabi raw ni Pangulong ­Rodrigo Duterte na ‘weak, spoiled, at may bagahe si’ si BBM.

Dahil DDS daw siya ­paniniwalaan niya si Pangulong Duterte kaya ‘yan ang dahilan na si Isko Moreno ang kanyang sinusuportahan.

Tinukoy ba ni Pangulong Duterte na si BBM ang kanyang sinasabing politikong ‘weak, spoiled at may bagahe’?

Ano ba ang pinaggagawa mo nung ikaw ay nakaupo ­bilang Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary? ‘Di ba, nagkalat lang, Inday?

Natatandaan n’yo pa ba na si Uson ay lumabag sa ­mahigpit na quarantine protocol nang makunan siya ng litrato na nagsasalita siya sa isang social gathering sa Laguna, mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang pagtitipon ng mga tao ng mga panahon na ‘yun?

At sigurado ang PUNA na hindi n’yo rin nakalilimutan ang video na inilabas ni Uson noong Setyembre 2018 sa kanyang Facebook Page “Mocha Uson Blog” na sumasayaw si Andrew Olivar na kinukutya ang local deaf community o may mga kapansanan.

Kaya ang Philippine ­Fed­eration of the Deaf ay nagsampa ng reklamo laban sa kanilang dalawa.

Ayon sa organisasyon, sina Uson at Olivar ay lumabag sa Section 41 ng Republic Act No. 9442 o Magna Carta for ­Disabled Persons Act.

Dahil sa pagkakalat at ­kapalpakang pinaggagawa ­ni­tong si Uson, habang nakaupo siyang Asec ng PCOO, ayon ‘di siya nagtagal, natsugi siya.

Teka nga pala, balikan natin bago pala na-appoint si Uson bilang Asec ng PCOO, saan ba siya galing?

‘Di ba dati siyang blogger, dancer, model, at sex coach?

Nabigyan lang siya ng pwesto bilang PCOO Asec ay lumaki na rin ang ulo niya.

Ngayon ginamit niya pa si Pangulong Duterte para sabihin na tama ang sinasabi niya, sipsip!

Bago ka magsabi laban kay BBM, manalamin ka muna at tingnan mo kung wala kang putik sa mukha.

Susuporta ka lang kay Isko, magbibitiw ka pa ng masamang salita laban kay BBM.

Anong ibig mong ­sabihin, ang mga nasa kampo ng BBM-Sara UniTeam na DDS ay mali ang kanilang ginawang desisyon? Uror! Baka ikaw ang nagkamali ng desisyon.

Para ka lang sumakay sa Balat ng Mani na palubog, ang ginawang mong pagsuporta kay Isko.

Sige, samahan mo si Isko sa pagbebenta ng mga ari-arian ng gobyerno.

Nakaka-isang termino pa lang ‘yan bilang alkalde ng ­Maynila naibenta niya na agad ang Divisoria Mall, magkano ang komisyon niya sa P1.4 ­billion na pagkakabenta ng mall?

Nakatungtong ka lang (Uson) dati sa kalabaw, paki­ramdam mo kalabaw ka na rin. Ay naku! Inday, bumalik ka na lang sa pagiging blogger, dancer, model at sex coach mo, ‘di ka nababagay sa opisina ng gobyerno.

Dahil ang ‘public ­office is a public trust’, paano ­pagti­tiwalaan ng taumbayan ang opisina ng gobyerno kung katulad mo ang hahawak? ­Nag­papansin ka lang para masama ka sa pinag-uusapan ngayon.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0912-259-59-07.

181

Related posts

Leave a Comment