MOST WANTED HUMAN TRAFFICKER SA AKLAN NALAMBAT NG PNP-AKG

NAGBUNGA ang intelligence operation ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group Director P/BGen/ Jonnel C. Estomo nang madakip ang sinasabing utak sa malawakang human trafficking sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay General Estomo, sinasamantala ng suspek na si Catherine M. Tandas ang kahirapan ng mga babaeng biktima na nasasadlak sa prostitusyon dahil sa panlilinlang.

Inihayag ni PNP-AKG PIO chief, P/Major Ronaldo Lumactod, bandang alas-8:30 ng umaga nitong Huwebes, armado ng arrest warrant, sinalakay ng mga tauhan ng PNP-AKG Visaya Field Unit, na pinamumunuan ni P/Major Nestor Acebuche, kasama ang Iloilo-Bacolod Satellite Office LFU, Navotas PNP at Numancia Police Office, ang pinagtataguan ni Tandas sa Barangay Tangos, Navotas City .

Si Tandas ay wanted sa kasong paglabag sa Section 6 (c) in relation to Section 4 (a), RA 9208 as amended (Anti-Human Trafficking In Person) at target ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Ronaldo H. Exmundo, Presiding Acting Judge ng RTC Branch 7, ng 6th Judicial Region, Kalibo, Aklan, at walang piyansang inerekomenda.

Pahayag pa ni Gen. Estomo, ang suspek ay sangkot sa serye ng human trafficking activities simula pa noong taong 2015 sa area ng Metro Manila at kalapit na lalawigan at dinadala ang mga biktima sa lalawigan ng President Roxas, Iloilo at Passi City kung saan nasasadlak sa pagiging sex slave ang mga ito.

“The PNP AKG proved once again that the long arms of the law still exist. It was the group’s vast experience in dealing with criminality that made things possible,” ani Maj. Lumactod. (JESSE KABEL)

146

Related posts

Leave a Comment