MOST WANTED SA BOHOL, HULI SA QUEZON CITY

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brigadier General Antonio C. Yarra ang matagumpay na pagkakaaresto sa no. 1 most wanted person sa Candijay, Bohol Municipal Police Station, sa manhunt operation ng police operatives sa Quezon City noong Mayo 1.

Sa report ni Masambong Police Station (PS-2) station commander, P/Lt. Col. Ritchie Claravall, kinilala ang arestado na si Alejandro Lacar, 56, pedicab driver at residente sa #26 Huna St., Sitio San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Si Lacar ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang bahay noong Sabado, alas-9:20 ng umaga, ng intelligence operatives ng Masambong Police, Bohol Police Provincial Office, Candijay Municipal Police, sa pamumuno ni P/Maj. Jaime D. Dulcero, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), District Special Operations Unit (DSOU) na pinangunahan ni P/SMS. Richard Ilira, at Project 6 Police Station (PS-15), na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Hendrix Mangaldan.

Ang nasabing suspek ay may standing warrant of arrest para sa kasong statutory rape, na inisyu ni Hon. Pasita Sarmiento-Gamutan, presiding judge of Branch 51, Regional Trial Court, Carmen, Bohol.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa nasabing suspek. (JOEL O. AMONGO)

274

Related posts

Leave a Comment