MOTORCADE SA ARAW NG MGA PUSO PINAARANGKADA NI LAPID

NAG-CELEBRATE si Reelectionist Senator Lito Lapid ng Valentine’s Day kasama ang mga Ilonggo sa pamamagitan ng motorcade sa palengke ng Iloilo City, na kilala bilang “City of Love”nitong February, 14.

Mainit ang pag-welcome ng mga Ilonggo kay Lapid sa motorcade sa Iloilo City.

Matapos ang motorcade, bumisita naman si Lapid sa munisipyo ng Sta. Barbara at Leganes, kung saan nakapulong ng Senador sina Mayor Dennis Superficial at Vicente Jaen II.

Nag-dasal naman si Lapid sa Shrine of St. Vicente Ferrer sa Leganes, Iloilo.

Matapos ito, lumipad na ang Team Lapid sa Davao City para sa gaganaping 3rd leg ng proclamation rally ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa Carmen, Davao del Norte ngayong Sabado ng hapon.(Danny Bacolod)

2

Related posts

Leave a Comment