MOTORCYCLE INSURANCE SA TABI NG NOVALICHES LTO OFFICE OVERPRICED?

KAALAMAN Ni Mike Rosario

NAKATANGGAP ng reklamo ang KAALAMAN mula sa mga nag-renew at nagparehistro ng kanilang single motorcycle ngayong taon sa Land Transportation Office (LTO) Novaliches Branch.

Ayon sa isang nakausap natin, ang binayaran niya sa insurance ng kanyang motorsiklo na matatagpuan sa tabi ng LTO Office, ay nagkakahalaga ng P550.

Samantala, ang isa pa niyang motorsiklo, ang insurance na kinuha niya sa Cebuana Pawnshop ay nagkakahalaga lamang ng P300.

Lumalabas na may diperensya na P250 o halos kalahati na mas mataas ang insurance sa tanggapan na matatagpuan sa tabi ng Novaliches LTO Office.

Kung parehas na tinatanggap ang insurance mula sa Cebuana Pawnshop na P300, at mula sa insurance na may halagang P550 sa tabi ng Novaliches LTO Office, bakit sobrang mahal ng isa?

Sa halagang P300 insurance na mula sa Cebuana Pawnshop ng motorsiklo ay may tubo na sila, sobrang laki naman ng patong ng mga insurance sa tabi ng Novaliches LTO Office na may singilan na P550.

Tanong tuloy ng ating tagasubaybay, bakit sobrang mahal ng insurance na may opisina sa tabi ng Novaliches LTO Office? Duda tuloy ang marami na may pakinabang ang ilang opisyal ng LTO dito kaya sobrang taas ng patong nila sa kanilang insurance.

Maraming nakapalibot na insurance company sa Novaliches LTO Office at pare-parehas ang kanilang singilan na P550 sa bawat nagpaparehistro ng motorsiklo.

Pakiramdam tuloy ng mga nakakuha ng P300 insurance mula sa Cebuana Pawnshop na pananamantala ang ginagawa ng mga insurance na nasa tabi ng Novaliches LTO Office.

Hindi kaya alam ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na ganoon kamahal ang singil ng mga insurance ng motorsiklo sa tabi ng Novaliches LTO Office?

Kung ganoon ang singilan ng insurance sa tabi ng Novaliches LTO Office, malamang ganoon din sa iba pang satellite office o branches ng LTO Office.

Grabe naman kayo magpatong, halos kalahati na mas mataas sa insurance na nakukuha mula sa Cebuana Pawnshop.

Kung hindi alam ni Secretary Bautista ang kalakarang ito sa mga insurance sa tabi ng Novaliches LTO Office, ay ipinaaalam natin ito sa kanya.

Mr. Secretary, sobrang pahirap ito sa taumbayan na ginagawa ng mga insurance na nasa tabi ng LTO Offices.

Nananawagan na rin tayo sa Kongreso na silipin nila kung bakit ganoon kamahal maningil ng mga insurance na may opisina sa tabi ng mga opisina ng LTO sa iba’t ibang lugar.

Sigurado na ang kliyente ng mga insurance na nasa tabi ng LTO Offices, tinataga pa nila ang mga kumukuha nito sa presyo na P550 kung ikukumpara sa Cebuana Pawnshop na P300 lamang.

Kawawang Pinoy, laging napagsasamantalahan.

481

Related posts

Leave a Comment