MOTORSIKLO SUMALPOK SA POSTE; 1 PATAY, 1 SUGATAN

CAVITE – Nasawi ang isang mister habang nakaligtas naman ang kanyang misis na naka-angkas nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang poste ng kuryente sa Trece Martires City noong Sabado ng madaling araw.

Isinugod sa ospital ang mag-asawang sina Reiner, 36, isang security guard, at Pamela, 36, kapwa residente ng, Brgy. Aguado, Trece Martires City, subalit hindi umabot nang buhay ang mister dahil sa sugat sa katawan.

Ayon sa asawa ng biktima, binabagtas nila ng kanyang mister ang kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Conchu, Trece Martires City, sakay ng motorsiko bandang alas-3:30 ng madaling araw nang bumangga sila sa isang poste ng kuryente.

Pero bago tuluyang sumalpok ang kanilang motorsiklo ay nakatalon ang babae habang dire-diretso ang biktima.

Kapwa isinugod sa ospital ang mag-asawa subalit idineklarang dead on arrival ang lalaki habang nilalapatan ng lunas ang kanyang miss.

(SIGFRED ADSUARA)

161

Related posts

Leave a Comment