HUWAG tayong magtaka kung ang ating pole vaulter na si Ernest John Obiena, bukod sa boksingerong si Eumir Marcial, ang lumabas na pinaka-preparadong atletang Pilipinong makapagbibigay ng kauna-unahang gintong medalya sa bansa pagdating ng XXXII Games of The Olympics sa ΒHulyo hanggang Agosto sa Tokyo.
Sa kabila ng Βpandemyang dala ng COVID-19, linggo-linggo ang kompetisyon sa ΒEuropa ng 25-anyos na si Obiena, na humakot ng dalawang medalyang ginto, isang pilak at dalawang tanso sa anim na palarong sinalihan niya.
Inilarawan ni Emerson Obiena, tanyag na pole vaulter din noong kanyang panahon at ama ni EJ sa kabiyak na si national hurdler Jeanette, ang Βprogreso ng paghahanda ng kanilang supling ay “slowly, but surely” sa ilalim ng kanyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.
Katunayan, ani Emerson sa panayam ng kolumnistang ito, sinusunod ni EJ ang lahat ng bilin ni Petrov, naging coach din ng dating hari ng pole vault sa daigdig na si Sergey Bubka,”to the letter” mula noong Enero.
Kaya sa pagtatapos ng European Indoor Season noong nakaraang linggo, naging matagumpay ang Βpaghahanda ni EJ, na nag-uwi ng mga medalya sa pagbalik sa Fomea, Italy kung saan siya naka-base sa loob ng nakaraang anim na taon.
Bukod sa mga Βmedalyang naibulsa ni EJ, ang produkto ng Barrio Obrero sa Tondo at University of Santo Tomas ay apat na beses nagtala ng bagong Philippine record na 5.80 metro.
At hindi pipitsugin ang mga nakaharap ni EJ sa kabuuan ng European Indoor. Kabilang sa kanyang mga tinalo sina 2017 World Champion Sam Kendricks ng US at 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil.
Naging biktima rin niya nang ilang beses si ΒEuropean Outdoor at world record-holder Armand Duplantis ng Sweden sa Indoor Circuit.
Sa kasalukuyan, pagtatapat nina Daddy Emerson at Mommy Jeanette, susulitin muna ni EJ ang pito hanggang 10 linggong pahingang ibinigay sa kanya ni coach Vitaly bago magbukas ang ΒOujcoor Season, na Βmagiging basehan kung sino ang lalabas na nakatayo sa itaas ng podium sa Tokyo.
“Hindi naman si EJ lamang ang inaasahan sa podium finish. Lahat sila, mula kina Kendricks, Braz at Duplantis ay paborito. Madi-decide ang magiging resulta ng Olympic Games sa kondisyon ng mga competitor pagdating ng labanan,” korus nina Emerson at Jeanette.
“Kaya nga nakikiusap kami sa ating mga kababayan na samahan Βkaming manalangin na walang mangyaring injury kay EJ hanggang sa oras ng Βpalaro,” ani Jeanette.
“Sinisiguro naman ni coach Vitaly na hanggang sa mga oras na ito ay wala pang kapansanan si Ej. Sana’y manatili na ganito ang kanyang kalagayan hanggang sa Olympics,” singit ni Emerson.
150 