NOONG taong 2013 pansamantalang inalis sa kanyang puwesto itong si alias Mr. Clean bilang Chief ng isang division sa Bureau of Immigration dahil sa katiwalian at itinapon ito sa Commissioner’s Office bilang technical assistant.
Pinalitan sya noon ng isang opisyal ngunit imbes na makipagtulungan sa kanyang mga tauhan ay nagkomento pa ito sa akin na bawal daw bang magsamantala sa kapangyarihan kahit ikaw ay may katungkulan sa isang simbahan?
Kahit nagmukhang tamulmol ito sa kanyang pagkakatapon ay tila naghanap ito ng damay at kanyang siniraan ang kanyang mga sariling tauhan. Isa na rito ang umano’y pagkakaroon ng bawal na relasyon ng kanyang dalawang tauhan hanggang sa itinapon pa ang isa sa kanila sa Davao City BI office na kanya namang ikinatuwa.
Hindi ka pa nakuntento at nais mo pa Sir noon na sabihin ko sa asawa nung babae ang relasyon ng iyong tauhan pero masyado na itong personal para patulan ko na nais mo pang manira ng isang masayang pamilya. Wag ganun!
Bakit kaya nasa kanya na ang lahat ng kapangyarihan ay nagagawa pa nyang manira ng kanyang tauhan dahil kaya sa insecurity?
Ako’y nagtataka lamang Sir bakit noon panay chika mo sakin na itong bebot mo ngayon na si Alias Mau ay dati kamong naanakan nang dating naging Commissioner pero bakit kamakailan ay kinuha mong Sekretarya mo?
Sabagay po, kung talagang makikita ninyo itong si Alias Mau ay talagang mahuhulog ang inyong brief este mga mata pala dahil sa kanyang natatanging kagandahan.
Wala naman po tayong pakialam sa kanilang relasyon kahit pa may sarili silang mga asawa at anak na kundi dahil sa Conflict of Interest kung saan ay nagagamit nitong si babae ang pakikipagrelasyon kay Mr. Clean upang maisagawa nito ang corruption sa mga papeles na dumadaan sa kanilang tanggapan.
Napapabalita na mula noong mabuking ng misis ni Mr. Clean ang kanilang relasyon ay ibinalik si alyas Mau sa kanyang mother unit sa intelligence division at pinagpahinga muna dahil sa umano’y sumabit ito sa mga papeles na kanyang pineke? Bakit kaya itinapon lang ni Mr. Clean at hindi kinasuhan dahil ba siya ay nakaka-sawsaw? Nagtatanung lamang po.
Paano Sir nakabili ng Toyota Alphard itong si alias Mau kung ang sahod lamang nito ay 30k kada buwan? Kaya siguro noong bumisita si Anti Red Tape Authority (ARTA) Director General Belgica sa BI ay pinagpawisan ang bunbunan mo?
Para po sa inyong Sumbong at Reaksyon itext lamang ako sa 09158888410.
308
